^

Probinsiya

Ikakasal sa ibang lalaki. Nobya, nanay kinatay ng nobyo

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Balot sa panibugho ang damdamin ng isang seaman na umuwi sa bansa upang pakasalan ang babaeng nililiyag subalit ito pala’y ikakasal na sa ibang lalaki kaya nagdilim ang paningin at nagawa nitong pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang nobya at ina nito kamakalawa sa Barangay Paddad sa bayan ng Alicia, Isabela.

Ayon kay P/Senior Supt. Franklin Mabanag, provincial PNP director, kilala ang mag-inang napaslang na sina Catherine Galamay, 25, kawani ng Funline sa Cauayan City at Liza Galamay, 48.

Samantala, pinaghahanap ngayon ng pulisya ang tumakas na suspek na si Abe Astacio, tubong Solano, Nueva Vizcaya.

Batay sa imbestigasyon, naghihimutok na napauwi ng wala sa oras ang suspek matapos mabalitaang ikakasal na ang kanyang nobya sa ibang lalaki.

Napag-alaman din na bumili na ng bahay at lote ang suspek para sa kanyang nobya sa panahon ng kanilang relasyon kung kaya naghihimutok itong napasugod sa bayan ng Alicia, Isabela.

Dito nauwi sa matinding komprontasyon ang magkasin­tahan sa harapan ng kanyang mga magulang.

Hindi matanggap ng suspek ang paliwanag ng kanyang nobya kaya nagdilim ang pani­ngin nito kaya sunud-sunod na inundayan ng saksak ang mag-ina hanggang mamatay at saka tumakas.

vuukle comment

ABE ASTACIO

ALICIA

BARANGAY PADDAD

CATHERINE GALAMAY

CAUAYAN CITY

FRANKLIN MABANAG

ISABELA

LIZA GALAMAY

NUEVA VIZCAYA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with