Suspek sa rape slay ng guro, dakma

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Kalaboso kamakalawa ang panguna­hing suspek na drug adik na responsable sa pagpatay sa isang 37-anyos na guro sa bayan ng Victoria noong Biyernes (Feb.17) matapos madakma ng mga awtoridad noong Martes ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, Laguna PNP director ang suspek na si Florencio Martin Aquino alyas “Bunso” ng Barangay San Francisco, Victoria, Laguna.

Si Aquino ay ang itinuturong pumatay kay Antonina Menese Labing, guro sa public school sa Sta. Rosa City, Laguna.

Naaresto si Aquino ng mga tauhan ng Victoria PNP matapos magsagawa ng entrapment operation sa Quezon City ilang metro lang ang layo sa Camp Ca­ringal noong Martes ng gabi.

 “Sa pakikipagtulungan ng mga kamag-anak ni Aquino, nakumbinsi nila itong makipagkita sa nasabing lugar hanggang masakote na siya ng aming mga pulis,” pahayag ni Cruz

Huling nakitang buhay ang biktima na sakay ng traysikel ng suspek  habang papasok sa kanyang trabaho.

Makaraan ng dalawang oras natagpuan na lang ang biktima sa madamong lugar sa kahabaan ng Barangay Nanhaya sa nasabing bayan.

Nagtamo ng 24-saksak sa katawan ang guro na sinasabing biktima robbery-holdup. 

Show comments