^

Probinsiya

Jail attack: 3 dedo, 15 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang 15 iba pa ang nasugatan matapos salakayin ng mga armadong kalalakihan ang Kidapawan City Jail sa bigong pagtatangka na itakas ang nakakulong na bomb expert ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Army’s 6th Infantry Division Chief of Public Affairs Office Col. Prudencio Asto ang mga napatay na sina Benny Balmediano, Ian Carlos Sevilla, at si Mark Anthony Morales.

Isinugod naman sa Kidapawan City Hospital at Dizon Hospital ang mga sugatang sina Fire Officer 1 Jonathan Cornejo, F/Chief Inspector Romeo Tactacin, FO1 Adrales Cabriles, Elvin Dulay, Ernie Aguirre, Raffy Yusalan, Joemar Lizardo, Dave Dapan at iba pang hindi natukoy ang pagkakakilanlan kabilang ang dalawang jailguard.

Lumilitaw na pinasabugan ng mga rebelde ang konkretong pader ng piitan upang itakas si Datukan “Lastikman” Sakmad pero lumaban ang mga jailguard sa mga sumalakay.

Napilitang umatras ang mga rebelde at nabigong itakas si Lastikman  sa takot na abutan ng reinforcement troops ng Philippine Army at ng pulisya.

Gayon pa man nagpatuloy sa pagpapaputok ng baril ang mga rebelde habang tumatakas kaya nadamay ang ilang sibil­yan na naninirahan malapit sa piitan. Samantalang sumambulat din ang bomba na itinanim ng mga rebelde sa bisinidad ng kulungan.

vuukle comment

ADRALES CABRILES

BENNY BALMEDIANO

CHIEF INSPECTOR ROMEO TACTACIN

DAVE DAPAN

DIZON HOSPITAL

ELVIN DULAY

ERNIE AGUIRRE

FIRE OFFICER

IAN CARLOS SEVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with