MANILA, Philippines - Magkasunod na pagyanig ang naramdaman sa bahagi ng Negros Oriental at Davao del Sur kahapon. Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naramdaman ang lindol sa Valle Hermoso, Negros Oriental ganap na alas 3:30 ng madaling-araw na may lakas na magnitude 4. Naramdaman naman ang magnitude 3 sa Kanlaon City kung saan sinundan naman sa Sarangani, Davao del Sur na may lakas na magnitude 3.7. Nagkiskisang tectonic plates ang pinagmulan ng lindol sa magkahiwalay na lalawigan kung saan wala naman aftershock na naramdaman.