6-anyos nene ni-rape slay ng adik

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 6-anyos na nene makaraang gulpihin ay hinalay pa ng hindi kilalang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga sa ba­hagi ng Barangay Caypombo sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kahapon ng umaga, natagpuan sa likurang bahagi ng abandonadong bahay ang bangkay ng biktimang si Angel Garcia.

Batay sa ulat ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima bandang alas-4 ng hapon noong Biyernes habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay.

Subalit hindi na naka­uwi, kaya ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya na nawawala ang biktima.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of Crime Operations (SOCO), lumilitaw na may palatandaan na pinahirapan muna ang biktima saka hinalay at pinatay.

Narekober sa crime scene ang plastic wrapper na pagkain na pinaniniwalaang pinang-akit ng rapist sa biktima para maisagawa ang maitim na balak.

Show comments