^

Probinsiya

Retired pulis nawawala, 5 pa sugatan sa tumaob na bangka

- Nina Joy Cantos at Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines – Isang reteradong pulis ang nawawala habang nakaligtas naman ang 5 kasamahan nito matapos na sirain ng malalaking alon ang kanilang bangka sa karagatan ng Marcedez, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nawawalang pulis na si Ret. SPO2 Ceferino Abina Caballero samantala ang mga nakaligtas ay kinilalang sina Iluminado Vasquez , Danilo Vasquez, Jonathan Lucilo, Rolly Berga at isa pang hindi nakikilalang na pawang mga mangingisda at mga residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat, naganap ang aksidente dakong alas 8:00 kamakalawa ng gabi habang ang mga biktima ay sakay sa isang bangka habang papadaong ng hampasin ng malalaking alon hanggang sa mahati ang bangka at lumubog.

Agad na nagtalunan ang mga lulan nito hanggang sa makaligtas ang mga ito bukod kay Caballero. Nagsagawa agad ng search and rescue operations ang ilang residente subalit hindi makita ang retiradong pulis. 

vuukle comment

BATAY

CAMARINES NORTE

CEFERINO ABINA CABALLERO

DANILO VASQUEZ

ILUMINADO VASQUEZ

ISANG

JONATHAN LUCILO

LEGAZPI CITY

MARCEDEZ

ROLLY BERGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with