Guro pumalag sa holdaper, todas

MANILA, Philippines - Isang 37-anyos na guro ang nasawi makaraang  pagsasaksakin matapos na pumalag sa hindi pa nakilalang mga holdaper sa isang masukal na bahagi ng Barangay Nanhaya, Victoria, Laguna kahapon ng umaga.

 Sa report ng tanggapan ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Gilbert Cruz, bandang alas-6:40 ng umaga nitong Biyernes ng matagpuan ang du­guang bangkay ng biktima sa damuhan sa Provincial Road ng Brgy. Nanhaya ng bayang ito ilang oras matapos ang krimen.

Kinilala ang biktima base sa nakuhang identification card sa bangkay nito na si Antonina Labing, 37 anyos, isang guro sa pampublikong eskuwelahan at residente ng Brgy. San Roque, Victoria ng lalawigang ito.

Ang bangkay ng biktima ay tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na itinapon sa isang damuhan sa nasa­bing lugar.

Base sa mga awtoridad posibleng biktima umano ng robbery/holdup ang biktima na nanlaban sa mga holdaper kaya pinaslang. Sa pahayag ng mga residente sa lugar nakarinig pa sila ng mga sigaw ng biktima buhat sa masukal na bahagi ng Brgy. San Roque ilang oras bago natuklasan ang bangkay nito.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad sa lugar ang biktima papasok sa pinagtatrabahuhan nitong eskuwelahan nang sundan at holdapin ng mga suspek

Show comments