2 todas sa car crash

BATAAN, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang apat iba pa malubhang nasugatan matapos sumalpok ang kanilang kotse sa sementadong pader ng subdibisyon Roman Highway sa Barangay Munting Batangas, Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga namatay na sina Armando Calma, 42, ng Limay, Bataan at Tristan Jay Cruz, 27. Ginagamot naman sa Bataan General Hospital sina Joan Jiongco, Joey Cruz, Sheena Cruz, at Conrad Rapirap na pawang nakatira sa Barangay Kitang 1. Sa imbestigasyon ni PO2 Gatchalian, nagkayayaan ang mga biktima na kumain sa Olongapo City mula sa pakikipag-inuman ng alak.

Show comments