Remittance center hinoldap uli

CAMARINES NORTE, Philippines  - Isa na namang remittance center ang natangayan ng P60,000 cash  matapos hol­dapin ng dalawang hindi kilalang lalaki kahapon ng umaga sa Vinzons Avenue, Brgy 5 sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Sa ulat ng pulisya na nakarating kay P/Supt. Allan Ramos, naganap ang panghoholdap bandang alas 7 ng umaga matapos pumasok at magpanggap na customer ang dalawang hindi kilalang lalaki sa sangay ng LBC sa nasabing bayan. Nabigla ang dalawang kawani na sina Liza Garcia at Jeffrey Petallo nang magdeklara ng holdap ang dalawang lalaki na hawak ang baril. Matapos limasin ang malaking halaga ay iginapos sina Garcia at Petallo sa loob ng palikuran saka tumakas lulan ng motorsiklo.

Show comments