Konsehal utas sa riding-in-tandem

BATAAN, Philippines  – Binaril at napatay ang isang municipal councilor sa panibagong paghahasik ng lagim ng riding-in-tandem sa Barangay Burgos sa bayan ng Hermosa, Bataan kamaka­lawa ng tanghali.

Kinilala ni Bataan PNP director P/Senior Supt. Ricardo Zapata Jr. ang biktima na si Monching Jaring, 58, may-asawa at nakatira sa nabanggit na bayan.

Lumilitaw na pauwi na ang biktima nang harangin at pagbabarilin may ilang metro lamang ang layo sa kanilang tahanan.

Napuruhan sa leeg ang biktima kung saan naisugod pa sa ospital subalit namatay din.

Samantala, bumuo naman ng Task Force Jaring ang pulisya sa pamunuan nina P/Supt. Christopher Birung at P/Supt. Villasis.

Show comments