Tiktik ng militar dedo sa NPA rebs
February 2, 2012 | 12:00am
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napaslang ang dating miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) na sinasabing naging tiktik ng military makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahay ng kanyang utol sa Baranga Togoron sa bayan ng Monreal, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Julian Siscar, 42, may asawa, ng Sitio Punta sa nasabing bayan. Naganap ang pamamaslang habang ang biktima ay nanonood ng telebisyon sa bahay ng kanyang utol na babae.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
























