^

Probinsiya

6-anyos totoy pinugutan ng adik

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 6-anyos na totoy makaraang pugutan ay tinanggalan pa ng mga mata ng isang lalaking bangag sa ipinagbabawal na droga sa tubuhang sakop ng Barangay Enclaro sa bayan ng Binalbagan, Negros Occidental kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni P/Senior Ins­pector Albert Sy, hepe ng Binalbagan PNP, natagpuan sa crime scene ang pugot na ulo at katawan ni MJ Aguirre.

Natagpuan din sa tabi ng bangkay ng bata ang kanyang dalawang mata na dinukot ng suspek.

Samantala, arestado naman sa kaniyang tahanan  ilang oras matapos ang krimen ang suspek na sinasabing sugapa sa bawal na droga na si Lyndon Monton, 31.

Positibong itinuro ng kalaro ng biktima ang suspek na siyang nagsama sa kanila sa tubuhan kung saan narinig pa nito ang iyak ng kalaro bago siya nagtatakbo palayo para makaligtas sa kamay ng adik.

Lumilitaw na niyaya ni Monton ang magkalarong bata sa tubuhan kung saan sumama naman dahil may ibibigay na gantimpala.

Gayon pa man, iniwan ng suspek ang kalaro ng biktima sa may tabing kalsada kung saan sinabing uunahin niyang kalaruin si MJ sa tubuhan.

Naghintay naman ang 8-anyos kung saan ilang minuto ang nakalipas ay narinig nito ang matining na iyak ng kalaro.

Kaagad naman nagtatakbo palayo ang 8-anyos kung saan ipinagbigay-alam sa pamilya ni MJ na sinaktan ng suspek ang kalaro na iniwan niyang umiiyak sa tubuhan.

Ini-report naman ng pamilya ng biktima sa pulisya ang insidente kung saan mabilis rumesponde sa nasabing lugar.

Nadiskubre ang makapanindig balahibong krimen nang makita sa crime scene ang nakadapang katawan ng bata na walang ulo at tinanggalan pa ng mata.

vuukle comment

AGUIRRE

ALBERT SY

BARANGAY ENCLARO

BINALBAGAN

GAYON

INI

KAAGAD

LYNDON MONTON

NEGROS OCCIDENTAL

SENIOR INS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with