^

Probinsiya

Bangka lumubong: 10 turista nasagip

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sampung dayuhang turista kabilang ang pitong Briton ang nailigtas makaraang aksidenteng lumubog  ang sinasakyan ng mga itong bangkang de motor nang mag-island tour sa karagatan ng pamosong isla ng Boracay, Malay, Aklan kamakalawa ng hapon.

 Kinilala ang mga nasagip na turista na sina Pip Defonblanque, Larry Braden, Nick Holk, Figur de Conig, Alistair Curry, Eunali Shin at Ian Almond; pawang British national; Akiko Sakai, Chinese;  Kieren Dillon, Hong Kong national at mula sa New Zealand na si William Finn.

 Sa phone interview, sinabi ni Boracay Special Tourist Police (BSTP) Chief P/Supt. Julio Gustilo, naganap ang insidente sa karagatan ng Puka Beach Resort, Brgy. Yapak, Boracay Island bandang alas-2:15 ng hapon.

Kasalukuyang lulan ng motorboat MBCA Capt K ang mga dayuhan kasama ang tatlong tripulante ng magpanik ang mga turista dahilan nag-umpisa ng balyahin  ng malalakas na alon ang bangka hanggang pasukin ito ng tubig at lumubog.

Mabilis namang nagres­ponde gamit ang kanilang motorboat ang mga elemento ng  Boracay Tourist Police ng makatanggap ng ‘distress call’ mula sa kapitan ng bangka at nasagip ang mga dayuhan.

 Samantalang sinabi pa ni Gustilo, nakatanggap siya ng impormasyon na nakaligtas rin sa insidente ang tatlong tripulante na sina Ram Paloma, boat captain; Michael Cortan at Jason Cooper na dinala na sa isang pagamutan sa kapitolyo ng Kalibo upang malapatan ng lunas.

vuukle comment

AKIKO SAKAI

ALISTAIR CURRY

BORACAY ISLAND

BORACAY SPECIAL TOURIST POLICE

BORACAY TOURIST POLICE

CAPT K

CHIEF P

EUNALI SHIN

HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with