Mister ng kapitana nilikida

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Napaslang ang mister ng barangay chairwoman matapos barilin ng ‘di-kilalang lalaki sa loob ng sabungan kamakalawa ng hapon sa Barangay Aguada sa bayan ng Placer, Masbate. Napuruhan sa ulo si John Dalanon, mister ni Barangay Chairwoman Beverly Etcobanes ng Barangay Calumpang sa naturang bayan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang gunman.

Show comments