5 bata nalason

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya ,Philippines – Limang paslit ang isinugod sa pagamutan matapos malason sa kinaing tinolang manok at isda magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Ilocos, Norte kamakalawa ng hapon.

 Nakilala ang mga biktima na sina James Lee Francisco, 2, ang ate na si Anna Nicole Francisco, na kapwa residente ng Barangay Maruaya; magkakapatid na sina RJ Agustin, 6; Mae, 4; at Baby Jane, 3, na residente naman ng Barangay Estancia; pawang sa bayan ng Piddig sa nasabing lalawigan.

 Napag-alaman na unang isinugod ang magkapatid na Francisco sa Piddig District Hospital dahil sa pananakit ng tiyan, pagsusuka at panghihina matapos umanong kumain ng tinolang manok sa pananghalian.

 Kasunod naman nito ay isinugod din sa parehong pa­gamutan ang magkakapatid na Agustin dahil din sa pananakit ng tiyan matapos kumain naman ng maliliit na isda na galing sa ilog at binagoong ng pamilya. Nasa ligtas ng kalagayan ang mga biktima matapos na malapatan kaagad ng lunas.

Show comments