Mister iniwan ng ka-live-in; ari pinutol

CAMARINES NORTE, Philippines - Tuluyang  nawala  sa ka­tinuan ang isang 25-anyos na mister na sinasabing iniwan ng kanyang ka-live-in matapos magpasyang putulin ang sariling ari sa pag-aakalang wala nang silbi sa pakikipagtalik kahapon sa Barangay Igualdad, Naga City, Camarines Sur.

Duguang isinugod sa Bicol Medical Center ng kanyang ina at ilang bara­ngay opisyal ang biktima na itinago sa pangalang Ramon.

Lumilitaw na nagulat na lamang ang ina matapos ang kanyang anak na hawak pa ang kaputol na ari nito habang sa kanang kamay  naman hawak ang matalim na kutsilyo.

Nabatid na dinamdam ni Ramon ang pakikipag­hiwalay ng kanyang kinakasamang babae may ilang linggo na ang nakalipas kung saan malimit mag-isa sa loob ng kanyang kuwarto.

Namataan din ng ilang kapitbahay na kalimitang may pinagsasabihan ang biktima kahit walang kausap.

Show comments