Calayan Group of Island nilindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng lindol ang Calayan Group of Islands kahapon ng madaling araw, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).  May lakas na 5.5 magnitude ang naimonitor ng Phivolcs dakong alas-12:36 ng madaling araw sa kanlurang bahagi ng Calayan, Cagayan na may lalim na 001 km. Naramdaman naman ang intensity 3 na lindol sa Laoag City, Pasuquin, Ilocos Norte, Alacapan, Aparri, Cagayan, Basco Batanes, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Ballesteros, at sa Cagayan.Habang intensity 4 naman sa may Camiguin Island, Calayan, at Intensity 5 sa may Calayan Island. Gayon pa man, walang iniulat na nasaktan o nawasak na ari-arian sa pagyanig kung saan sinasabing tectonic plates ang pinagmulan ng lindol.

Show comments