^

Probinsiya

Call center agent pumalag sa rapist, grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang dala­gang call center agent matapos itong pagsasaksakin nang pumalag sa kaniyang lalaking kapitbahay na nagtangkang humalay dito sa Brgy. San Nicolas, Cebu City kamakalawa ng madaling araw.

Patuloy na inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang biktimang itinago sa pangalang Rose, 24-anyos na nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Cebu City Police, arestado naman ang suspek na si Zaldy Mark Guanita, 23-anyos matapos na makorner ng mga nagrespondeng barangay tanod na narinig ang paghingi ng saklolo ng tiyahin ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng mada­ling araw ng maalimpungatan ang natutulog na si Rose sa kaluskos sa labas ng kaniyang silid bunsod upang bumangon ito at tingnan kung sino ang may kagagawan.

Nang buksan ng dalaga ang pintuan ay bumungad sa kaniya ang kapitbahay na si Guanita na armado ng kutsilyo na pilit winawasak ang door knob ng kaniyang silid bunsod upang itulak siyang paloob ng suspek.

Isinalya ng suspek sa may dingding ang biktima, tinakpan ang bibig upang hindi makasigaw pero nanlaban ang dalaga at kinagat ang suspek.

Dito na nagalit ang suspek at pinagsasaksak  ang biktima kung saan ang kalabugan sa silid ay narinig naman ng tiyahin ng dalaga na natutulog sa kabilang silid  na nabungaran ang suspek na hawak ang duguang kutsilyo kaya nagsisigaw ito sa bintana sa paghingi ng tulong. Mabilis na nagresponde ang mga barangay tanod at nasakote ang suspek na nasamsaman ng 7 pulgadang kutsiyo.

vuukle comment

AYON

BRGY

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE

DITO

GUANITA

ISINALYA

SAN NICOLAS

SUSPEK

ZALDY MARK GUANITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with