^

Probinsiya

Gov. Gambito umaksyon sa mining stand-off sa Nueva Vizcaya

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

KASIBU, Nueva Vizcaya, Philippines — Kumilos na si Gov. Jose V. Gambito para pigilan ang paglala ng tensiyon sa mining standoff sa bayan ng Kasibu matapos magkagitgitan ang mga anti-mining protesters at tauhan ng North Luzon Mineral Resources Corp. (NLMRC), na humantong sa pagkakaaresto sa 11 nagpoprotesta.

Ayon kay Kasibu Police chief Police Capt. Lloyd Guillermo, inatasan siya ni Gov. Gambito na tiyaking hindi na mauulit ang karahasan matapos harangin ng mga protesters ang mga sasakyang patungo sa exploration at drilling site ng NLMRC sa Barangay Pacquet.

Nag-ugat ang komprontasyon nang tangkain ng mga tauhan ng NLMRC na makapasok sa lugar, ngunit hinarangan sila ng mga protesters na naglatag ng barricade.

Sinabi ni Atty. Fidel Santos, abogado ng mga nagpoprotesta na nais niyang mamagitan ngunit nagsimula na ang police dispersal nang makarating siya.

Itinanggi naman ni Guillermo na ­naging escort ng mining firm ang pulisya, at sinabing rumesponde lamang sila sa 911 call hinggil sa umano’y pagharang sa isang municipal road.

Sa huli, pinagharap ng pulisya ang dalawang panig sa negosasyon kasama sina Vice Mayor Alberto Bumolo at mga konsehal. Napagkasunduan na pansamantalang hindi papasukin sa exploration site ang mga tauhan, kaga­mitan at suplay ng NLMRC habang nagpapatuloy ang usapan, at muling magpupulong ang magkabilang panig sa Martes.

FIDEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with