MANILA, Philippines - Niyanig ng lindol na may lakas na 4.0 magnitude ang hilagang bahagi ng Cagayan kahapon ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng lindol sa kanlurang bahagi ng Calayan group of islands sa bayan ng Calayan malapit sa Babuyan Channel sa kahabaan ng South China Sea na kung tawagin ay West Philippine Sea ganap na alas-2 ng madaling-araw. Ayon pa sa ulat, tectonic ang pinagmulan ng lindol kung saan naramdaman sa layong 15 km sa nasabing lugar. Walang kaugnayan sa anumang posibleng volcanic activity sa lugar ang pagyanig.Wala namang iniulat na nawasak na anumang ari-arian o kaya nasaktan.