Fil-Canadian dedo sa kuryente

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang 47-anyos na Filipino-Canadian ang iniulat na nasawi makaraang makuryente habang naliligo sa palikuran sa Barangay Antonino sa bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa. Idineklarang patay sa ospital ang biktimang si Angel Joseph Alegrid ng Ontario, Canada at pansamantalang nanunuluyan sa tahanan ni Dr. Jones Agustin sa nabanggit na barangay. Batay sa police report, naliligo ang biktima sa loob ng palikuran nang mapahawak ito sa talop na linya ng kuryente kung saan tuluyang nagkikisay. Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit sinalubong din ni kamatayan.

Show comments