Tinedyer, obrero pinabulagta
CAVITE ,Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa dalawang sibilyan sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa. Base sa police report, si Jose Rodney Sian, 37, ng North Ville Green Valley ay pinalo ng tubo sa ulo ng kanyang kapitbahay na si Tomas Acaller, 35, sa Barangay San Nicolas 3. Nasawi ang biktima habang ginagamot sa Las Pinas District Hospital. Lumilitaw na may lihim na galit ang suspek sa biktima kaya isinagawa ang pamamaslang. Samantala, si Morris Gabin, 18, ay binaril at napatay ng suspek na si Michael Bombaes sa bahagi ng Barangay Pulido Extension sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng gabi. Inaalam ng pulisya ang anggulong frat war ang isa sa motibo sa krimen.
- Latest
- Trending