2 nag-dive sa putik-ilog

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines  — Hindi na maipagdiriwang ng magkaibigan ang pagsalubong sa Bagong Taon makaraang mag-dive sa pinakamaruming ilog sa Ba­rangay Tugatog, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Bandang alas-10:30 ng umaga kahapon ay natagpuan ang bangkay ni Frank Salinas, 25 habang ang bangkay ni John Ryna Buella, 25, service crew ng Redwich Burger ay natagpuan may tatlong oras pa ang nakalipas.

Ayon kay PO2 Allan Lampano, ang dalawa ay magkaangkas sa motorsiklo patungong Barangay Lawa kung saan sumalpok sa gutter ng tulay sa nabanggit na ba­rangay kung saan nag-dive ang magkaibigang sugatan sa pinakamaruming ilog.

Show comments