Bike vs kalabaw: 17-anyos utas

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 17-anyos na binatilyo ang iniulat na nasawi matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nakatayong kalabaw sa gitna ng highway sa Barangay Magsaysay, Naguilian, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Rey Lozada ng Barangay Guibang sa bayan ng Gamu, Isabela. Malubhang sugatan naman ang mga kaangkas ni Lozada na sina Johnny Dalusong at Angelo Atsara. Nabatid na pauwi na ang tatlo mula sa Christmas party sa Cauayan City nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nakatayong kalabaw sa gitna ng highway. Namatay din ang kalabaw dahil sa matinding impact ng motorsiklo kung saan sinasabing hindi napansin ng mga biktima dahil sa madilim na bahagi ng highway.

Show comments