Bus vs van: 3 katao utas

STA. CRUZ, Zambales, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang pampasaherong bus at van noong Linggo ng gabi sa bayan ng Sta. Cruz, Zambales. Sa ulat na nakarating kay Zambales PNP director P/Senior Supt. Francisco DB Santiago, Jr., kinilala ang mga nasawi na sina Benjamin Ebuen Jr., 51; Amalia Ebuen, 46; at Alliah Gail Ebuen, 2, pawang nakatira sa Barangay Bayto sa nasabing bayan.

Naisugod naman sa Candelaria District Hospital ang mga sugatang sina Razel Getiada, 29; at James Hunt Ebuen, 4. Samantala, hindi naman nasugatan ang drayber ng bus na si Joselito Buison, 49, ng Barangay Poblacion North sa nasabing bayan.

Lumilitaw sa pagsisiyast ni P/Senior Insp. Generico Bi­nan, hepe ng Sta Cruz PNP, nagkasalpukan ang Mitsubishi Lancer (NKX 4949) ni Benja­min Ebuen at bus (CXG 903) ni Bui­son sa kurbadang highway. Napag-alaman pa sa ulat ng pu­lisya na naging positibo sa alak ang drayber ng van na si Benjamin Ebuen Jr.

Show comments