MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang 13 pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Davao-Agusan Highway sa Purok 4, Barangay Tuganay sa bayan ng Carmen, Davao del Norte kamakalawa. Idineklarang patay sa Carmen District at Rivera Hospital sa Panabo City sina Antonio Franco Balo at Philip Padeno habang patuloy naman ginagamot ang mga sugatan. Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP-Highway Patrol Group Director Leonardo Espina, bandang alas-7:20 ng umaga nang magsalpukan ang KIA Sephia Sedan (MCB 987) ni Francis Eric Balo at Toyota Ace van ni Yusop Anting.