Totoy nanloob ng grocery, utas sa sekyu

TUGUEGARAO CITY, Philippines  — Hindi na umabot para magdiwang ng Pasko ang isang 12-anyos na bata matapos bistayin ng bala nang manloob ito sa isang mini-grocery para umano'y pang­handa sa Noche Buena sa Brgy. Afsing Daga, Alcala, Cagayan, batay sa report na nakarating sa Provincial Police Office kamakalawa.

Si Totoy ('di tunay na pangalan) ay isang grade six pupil sa Alcala West District School sa nasabing bayan.

Batay sa report, sumuko naman sa mga opisyales ng barangay ang suspect na si Benny Cabag 37, sekyu sa mini-grocery sa nasabing lugar.

Idinahilan ni Cabag na nagising siya dakong alas-8 ng gabi nang maramdaman niyang may kumakaluskos sa loob ng binabantayang pamilihan.

Sa dilim ng paligid aniya'y nabaril niya ang biktima na hindi inaakalang ito pala ay isang bata.

Nagkagutay-gutay ang katawan ng musmos sanhi dahil sa mga bala ng de-sabog na baril na tumama dito.

Show comments