May-ari ng tindahan nilikida

LEGAZPI CITY, Albay ,Philippines  – Napaslang ang may-ari ng tindahan sa palengke habang malubha naman ang manugang na lalaki nito matapos pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa Market Site sa Barangay Camao sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Sorsogon Doctor Hospital si Casanguan Parantes habang sugatan naman ang kanyang manugang na si Felix Ariraya. Batay sa ulat ng pulisya, magkatuwang ang dalawa na nagliligpit ng kanilang paninda para magsara ng tindahan nang lapitan at ratratin. Pinaniniwalaang away negosyo ang isa sa motibo kaya naganap ang pamamaslang.

Show comments