Sayyaf arestado

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang isa sa mga bandidong Abu Sayyaf sa isinagawang operasyon sa Barangay Kapayawan, Isabela City, Basilan noong Miyerkules ng umaga. Sumasailalim na sa tactical interrogation ang nasakoteng suspek na si Jurail Bagsik na sinasabing may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay ng pagkakasangkot nito sa mga kasong kidnapping for ransom sa Basilan at mga karatig pook. Ayon kay P/Director Felicisimo Khu, chief ng PNP Directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao at Joint Task Force Zamboanga-Basilan, ang suspek ay naispatan ng intelligence asset ng militar habang gumagala sa nasabing lugar.

Show comments