Barangay chairman nag-suicide

NUEVA ECIJA ,Philippines  – Kusang Nagpasalubong kay kamatayan ang isang barangay chairman makaraang magbaril sa ulo sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Poblacion East sa bayan ng Aliaga, Nueva Ecija noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktima na si Chairman Jose Tolentino y Quijano, 49, may-asawa. Base sa ulat ng pulisya, natutulog pa ang apat na anak ng biktima nang ikandado at magkulong ito sa bahay bago nagtungo sa palikuran. Umalingawngaw ang malakas na putok ng cal. 45 pistola kung saan natagpuang nakabulagta ang biktima sa loob ng palikuran. Wala namang iniwang suicide note ang biktima.

Show comments