4 dedo sa road mishap

CAVITE, Philippines – Apat-katao ang iniulat na nasawi habang lima naman ang nasa malubhang kalagayan makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa Aguinaldo Highway, Barangay Lalaan 2 sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Jhon Bulalacao, Cavite PNP director, kinilala ang mga nasawi na sina Eliana Navarro,1; Cesar Navarro, 60, kapwa nakatira sa Balayan, Batangas; Jaime Antonio ng Las Piñas City; at si Aljem Baraoidan, 18, ng Brgy. Sta Lucia, Dasmariñas City, Cavite.

Nasa kritikal namang kalagayan sina Lota Navarro, Enrico Navarro, Jonalyn Aseremo, Michael Kenneth Sisno, at Harley Borja ng Golden City, Imus, Cavite.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nakabanggaan ng Toyota Corolla (WMK-590) ni Enrico Na­varro ang Ford Fiesta Sedan (POX-697) ni Antonio. 

Kaagad na nagliyab ang kotse kung saan naipit sina Antonio at Baraoidan.

Show comments