^

Probinsiya

Mag-asawa inutas sa harap ng anak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa matapos pagbabarilin sa harapan ng kanilang anak na lalaki sa bayan ng San Miguel, Surigao del Sur kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga mag-asawa na sina Rosela, 63; at Vicente, 64, kapwa nakatira sa Purok Lower Daan 1, Barangay San Roque.

Naganap ang pamamaslang dakong alas-8:30 ng gabi sa mismong taha­nan ng mag-asawa sa nasabing barangay.

Lumilitaw na matutulog na sana ang mag-asawa at anak na 11-anyos nang biglang pumasok ang anim na kalalakihan na armado ng M-16 Armalite rifle kung san hinalughog ang kanilang tahanan.

Tinangkang tumakas ng mag-asawa palabas ng kanilang tahanan subalit hinabol ang mga ito saka niratrat.

Hindi naman sinaktan ang anak na lalaki na nahintakutan matapos masaksihan ang pagpatay sa kaniyang mga magulang habang patuloy ang imbestigasyon.

ARMALITE

BARANGAY SAN ROQUE

CAMP CRAME

LUMILITAW

NAGANAP

PUROK LOWER DAAN

ROSELA

SAN MIGUEL

SURIGAO

TINANGKANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with