SAN ISIDRO, Nueva Ecija, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na kalalakihan na sinasabing miyembro ng carnapping group makaraang masakote ng pulisya sa bahagi ng Brgy. San Fernando Norte sa bayan ng Cabiao, Nueva Ecija kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Supt. Roberto Aliggayu, Nueva Ecija PNP director, ang mga suspek na sina Mark Gil Victorio, Ron Ryan Gaddi ng Brgy. 63, Tondo, Manila; Roden Cruz, at si Nomar Juan ng Brgy. San Fernando Sur, Cabiao. Sa ulat ni P/Chief Insp. Angel Bondoc Jr., hepe ng San Isidro PNP, narekober ang siyam na motorsiklo na sinikwat ng mga suspek.