6 tiklo sa buy-bust

BULACAN ,Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng anim na sibilyan makaraang madakma ng mga awtoridad sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Supt. Fitz Macariola ang mga suspek na sina Rowena Jacinto, Rizza Jacinto, Leonardo Jacinto, Fernando Fernando, Dabio Bondoc, Edmar Dela Cruz, Michael “Pilay” Napa ng Northville 4a, Brgy. Lambakin, Marilao; Angel Morte ng Brgy. Daungan at si Melvin Gromeo ng Brgy. Camalig, Meycauayan City. Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ma.Theresa Mendoza-Arcega ng Malolos City Regional Trial Court Branch 17, sinalakay ang apat na bahay sa mga Brgy. Bañga 1st at Bañga 2nd sa bayan ng Plaridel. Narekober ang bultu-bultong shabu, baril at ilang drug paraphernalia.

Show comments