MANILA, Philippines - Tatlong sundalo ang iniulat na nasawi matapos na sumabog ang patibong na landmine ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Guinobatan, Brgy. Paquibato, Davao City kahapon ng umaga.
Gayon pa man, pansamantalang di-muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima hanggang hindi iniimpormahan ang pamilya ng mga ito.
Ayon kay Lt. Col Lyndon Paniza, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division bandang alas-8:15 ng umaga nang sumabog ang landmine kung saan nagpapatrolya ang tropa ng 69th Infantry Battalion.
Kinondena naman ni Paniza ang mga rebelde dahil sa paglabag sa Geneva Convention ng Human Rights at International Humanitarian Law na nagbabawal sa paggamit ng landmine.