13-anyos ginilitan ng akyat-bahay

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 13-anyos na babae habang grabe namang nasugatan ang kasamahan nito matapos gilitan at pagsasaksakin ng mga armadong lalaki na nanloob sa bahay ng amo ng mga ito sa Barangay Cabanbanan sa bayan ng Manaoag, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Maria Fe Berciles na dalawang ulit na gilitan at dalawang saksak sa katawan habang ginagamot naman sa ospital si Bienvenido Caliboso, 31,   na nagtamo ng limang saksak.

Ayon sa imbestigasyon, pinasok ng tatlong miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang bahay ng amo nina Barciles at Caliboso kung saan nanlaban ang dalawa kaya pinagsasaksak at ginilitan ang dalagita. Agad namang tumakas ang tatlo sa takot na ma­abutan ng pulisya matapos na lumikha ng komosyon sa nasabing lugar.

Show comments