3 tiklo sa buy-bust

ZAMBALES, Philippines – Kalaboso ang tatlo-katao matapos masakote ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa mga bayan ng Sta. Cruz at San Narciso, Zambales, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ang mga suspek na sina Charlie Manga ng Brgy. Naulo, Sta. Cruz; Constancia DL Comel, at Maximo DL Comel, kapwa nakatira sa Brgy. Patrocenio, San Narciso. Ayon kay P/Senior Insp. Generico N. Binan, hepe ng Sta. Cruz PNP, nadakip sa buy-bust operation si Manga sa Brgy. Naulo kung saan nasamsam ang 0.217 gramo ng shabu, P2,370 mark money at big bike. Samantala, ang mag-utol na Comel ay naaktuhan sa pot session sa kanilang tahanan sa Brgy. Patrocenio kung saan nakatakas ang ka-live-in partner ni Constancia na si Percival Hermoso at dalawa pang kasamahan. Nakumpiska sa mga suspek ang ilang sealed plastic sachet na shabu, marked money, at ilang drug paraphernalia.

Show comments