2 iligal rekruter arestado

CAVITE  ,Philippines – Kalaboso ang destinasyon ng magka-live partner na inireklamo sa kasong large scale illegal recruitment matapos madakma ng mga awtoridad sa Barangay Paliparan II sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Pormal namang kinasuhan habang nakakulong ang mga suspek na sina Rowena Reyes, 45; at Joseph Laxamana, 32, kapwa nakatira sa Unit H-414 Smile Citihomes, Maligaya Subd. sa Quezon City. Dumagsa naman ang mga biktima ng nagrereklamo laban sa mga suspek na sumasailalim sa tactical interrogation.

Show comments