SOLANO, Nueva Vizcaya ,Philippines – Apat-katao na pinaniniwalaang notoryus na drug pusher ang nadakma ng pulisya sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Quirino, ayon sa ulat kahapon. Nakilala ang mga suspek na sina Jayson James Asuncion, 28; Julio Bautista, 29; kapwa nakatira sa Barangay Patul, Santiago City, Isabela; Dominador Gueb Jr., 25; at isang alyas Budoy, 17, ng Maddela, Quirino. Ayon sa ulat, sina Asuncion at Bautista ay nadakma sa Brgy. San Marcos sa bayan ng Cabarougis noong Miyerkules kung saan nakumpiskahan ng 2 plastic sachet ng shabu. Samantala, si Guieb naman ay nadakma sa Barangay Maria Clara sa bayan ng Diffun matapos masamsam ang 2 kilong marijuana habang si Budoy naman ay naaresto sa Brgy. Duma Bato sa bayan ng Maddela kung saan nakumpiskahan ng 1 kilong damo.