Sundalo sugatan sa engkuwentro

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines  — Isang miyembro ng 42nd Infantry Batallion ng Phil. Army ang nasugatan matapos na makasagupa nito ang isang grupo ng mga armadong miyembro ng rebeldeng New People's Army (NPA) habang ito ay nagpapatrolya sa  Mount Bagacay, Barangay Bagacay Labo, Camarines norte kamakalawa ng gabi. Nakilala ang sugatan na sundalo na si Pfc. Dave Navarro, miyembro ng 42nd IB ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Tulay na Lupa ng naturang bayan. Batay sa ulat ang engkuwentro ay naganap dakong alas-8:30 ng gabi habang ang grupo ng mga sundalo ay nagpapatrolya sa naturang lugar ng makasagupa nito ang mga rebelde. Nabatid na halos umabot ng 20 minuto ang sagupaan na pagitan ng magkabilang panig hanggang sa magsitakas ang mga rebelde papalayo sa lugar. May palagay din ang mga awtoridad na ilang mga rebelde ang nasugatan din sa naturang sagupaan matapos na makitaan ng mga bakas ng dugo ang lugar kung saan makapuwesto ang mga rebelde. Kaagad namang nagsagawa ng check point ang lahat ng mga kampo ng militar at pulisya sa lugar at maging ang mga pagamutan. ay pinuntahan na rin upang matiyak kung may mga sugatan.

Show comments