^

Probinsiya

P25M kada pamilya alok sa Maguindanao massacre

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY, Philippines – Uma­abot sa P25 milyong alok kada pamilya ng bikitma sa kakila-kilabot na Maguindanao massacre para umatras sa kaso na ngayon ay dinidinig sa mababang korte.

Ito ang isiniwalat ni Rowena Paraan, executive director ng International Federation of Justice Media Safety Office kung saan inaalala ang ikalawang taong commemoration ng mass murder na isa sa pinaka-worst na pag-atake sa freedom of the press sa bansa.

“That sum of money is tempting especially that most of those killed journalists were bread winners,” pahayag ni Paraan na tumatayo ring secretary general ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

Pinuna rin ni Paraan ang malapagong sa pagtugis sa mga natitira pang suspek sa Maguindanao massacre kabilang na ang 6 pang mi­yembro ng Ampatuan clan.

Sa kasalukuyan ay aabot na sa 104 motions ang isinampa ng Ampatuans sa korte na sinasabing nagsasagawa ng three-day kada linggo ang hearing sa nasabing kaso.

Ayon kay Paraan, aabot sa 300 saksi ang inihanda ng grupo ng prosecution habang sa panig naman ng Ampatuans ay aabot sa 320 testigo ang ihaharap.

Nabatid din kay Paraan na kinakailangan ng mga Ampatuan ng P1.45 bil­yong para sa “withdrawal fund” habang sa legal team naman ay kinakailangan magtayo sila ng pabrika ng papel para sa bultu-bultong motions for reconsideration kada araw para idepensa ang kanilang kliyente laban sa kaso.

Gayon pa man, bukod sa P50,000 alok kada mamamahayag para gumawa ng story pabor sa Ampatuan, umarkila rin ang Ampatuan ng public relations agency upang gumawa ng propaganda, dagdag pa ni Paraan.

 “So far, none have been swayed to get the money and forget about it.” Pahayag pa ni Paraan

Bilang simbolong buhay sa alaala ng mga biktima ng masaker ay magkakasabay na magtatanim ng 58 pine ang mga mamamahayag sa Pine Trees of the World na katabi ng Tower of Peace Park sa Burhman Park sa Baguio City, ayon naman kay Day Caluza, president ng local NUJP chapter.

Magmamartsa naman ang mga mamamahayag at ilang grupo kabilang na ang mga miyembro ng College Editors Guild of the Philippines, Baguio Correspondents and Broadcasters Club sa Session Road na itinulad sa New York Wall Street’s “Occupy Session Road”.

AMPATUAN

AMPATUANS

BAGUIO CITY

BAGUIO CORRESPONDENTS AND BROADCASTERS CLUB

BURHMAN PARK

COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES

DAY CALUZA

INTERNATIONAL FEDERATION OF JUSTICE MEDIA SAFETY OFFICE

PARAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with