^

Probinsiya

Binatilyo utas sa pagtatanggol sa gf

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang 16-anyos na binatilyo matapos pagbabarilin ng 'di-kilalang lalaki na nagtangka pang molestiyahin ang girlfriend nito habang namamasyal ang magkasintahan sa seawall ng Brdco Port sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Corazon Montelibano Memorial Regional Hospital sa tinamong tama ng bala ng 9mm sa ulo ang biktimang si Joshua Bornales ng Barangay Taculing.

Sa ulat ng Bacolod City PNP na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-2:30 ng hapon habang namamasyal ang magkasintahan nang harangin ng isang di-kilalang lalaki pagsapit sa madilim na lumang resto grill restaurant.

Kaagad nagdeklara ng holdap ang suspek kung saan tinangka pang molestiyahin ang dalagita kaya ipinagtanggol naman ng bikitma na nanlaban ang binatilyo sa holdaper kaya napilitang barilin ito sa kanang bahagi ng ulo na naglagos sa kaliwa.

Tinangka ring barilin ng holdaper ang dalagita pero nanlaban ito hanggang sa kumalas ang magazine ng bala ng baril.

Nagtatakbo palayo ang dalagita kung saan nakahingi ng tulong sa mga bystander na siyang nagsama rito sa himpilan ng pulisya.  

BACOLOD CITY

BARANGAY TACULING

BRDCO PORT

CAMP CRAME

CORAZON MONTELIBANO MEMORIAL REGIONAL HOSPITAL

IDINEKLARANG

JOSHUA BORNALES

KAAGAD

NAGBUWIS

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with