^

Probinsiya

2 sekyu naghuramentado; 7 grabe

- Ni Boy Cruz -

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines  — Pito katao ang nasugatan matapos na pagbabarilin ng dalawang naghuramentadong sekyu na walang habas na nagpaputok ng baril sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa pagamutan ang mga sugatang sina Ruen Jude Sarcilla, 27, Niña Luce, 30, anak nitong si Allan Luce, 10 buwang sanggol; Merly Buenaventura 51, Seprino De Vera, 51, Fernando Futake, 52, at ang isa sa suspek na si Jundy Fantilanan, 32, habang nakadetine naman ang isa pang suspek na si Bernardo Handayan , sekyu sa Fortune Market sa Brgy.Malhacan, Meycauayan City. Base sa ulat ni P/Sr. Insp.Randy Korret unang naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng hapon habang nasa tour of duty ang suspek na si Handayan sa naturang pamilihan at biglang ikinasa nito ang dalang 12 gauge shotgun saka pinaputukan ang mga mamimiling biktima.

Samantala dakong alas- 10:30 naman ng gabi ay kasalukuyang nag-iinuman ang mga sekyung sina De Vera, Futake at suspek na si Fantilanan sa isang bo­dega sa Meyland Compound ng makalipas ang ilang saglit ay nagpaputok ang suspek gamit ang cal.38 revolver. Nang magresponde ang mga awtoridad ay inabutan namimilipit sa sakit sa tinamong sugat ang mga biktima kabilang ang suspek na hinihinalang binaril rin ang sarili.

vuukle comment

ALLAN LUCE

BERNARDO HANDAYAN

DE VERA

FERNANDO FUTAKE

FORTUNE MARKET

JUNDY FANTILANAN

MERLY BUENAVENTURA

MEYCAUAYAN CITY

MEYLAND COMPOUND

RANDY KORRET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with