Holdaper dedo sa shootout

BALAGTAS,Bulacan, Philippines  — Bumulagta ang nag-iisang holdaper matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya nang maaktuhan itong hinoholdap ang isang gasolinahan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing suspek na tinatayang nasa 25-30 anyos, 5’2 -5’5 ang taas, may tattoo sa katawan na ‘Anak ng Selda' at katamtaman ang panga­ngatawan.

Sa ulat ni Chief Inspector Alfonso Cruz, hepe ng Balagtas Police, bandang alas-9 ng gabi habang aktong hinoholdap ng suspek ang Fuellab Gas Station na pag-aari ni Alexander Bernardo sa intersection ng C6 Diversion Road at Provincial Road sa Brgy. Burol II ng bayang ito ng matiyempuhan ng mga pulis.

Bago ito ay pumoste sa lugar ang mga awtoridad ng makatanggap ng impormasyon at ng dumating ang suspek na sakay ng Honda motorcycle agad nagdeklara ng holdap bunsod upang maglabasan ang mga pulis na pinasusuko ito. Sa halip na sumuko ay pinaputukan ng suspek ang mga awtoridad na nauwi sa shootout na siya nitong ikinamatay.

Show comments