Inspector sa minahan nilikida

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 57-anyos na inspector ng minahan sa patuloy na paghahasik ng karahasan ng rebeldeng New People’s Army sa Barangay Book sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Rodgen Conejar, inspector sa Philsaga Mining Corporation. Lumilitaw na dakong alas-6:30 ng umaga nang ratratin ang biktima na nagmomotorsiklo na patungong Barangay San Teodoro.

Show comments