MANILA, Philippines - Napaslang ang isang imbestigador ng PNP-Criminal Investigation and Detection Team matapos tambangan ng dalawang ‘di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Lucky sa bayan ng Lemery, Batangas kahapon ng umaga. Napuruhan sa dibdib at tiyan si PO3 Noel Villalobos kung saan nagawa pang maisugod sa ospital pero binawian ng buhay habang ginagamot. Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na naganap ang pamamaril sa biktima sa kahabaan ng Brgy. Lucky bandang alas-11:15 ng tanghali.