Sundalo utas sa ambush

Kidapawan City ,Philippines  – Napatay ang isang sundalo habang su­gatan ang dalawa nitong kasamahan kabilang ang lider ng team ng tropa ng militar matapos tambangan ng may 20 rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Batasan, Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni Lt. Col. Joven Gonzales, Commander ng Army’s 57th Infantry Battalion (IB) ang nasawing biktima na si Pfc Alex Calon. Ang mga sugatan ay agad namang isinugod sa pagamutan.

Ayon kay Gonzales, dakong alas-7 ng umaga ng mangyari ang pananambang ng mga armadong rebelde habang nagla­lakad ang mga sundalo patungo sa command post ng Charlie Company para kumuha ng supplies.

Inihayag ng opisyal na dahilan sa mga pag-atake ng NPA Front 51 sa lalawigan, nabalam ang mga proyekto ng gobyerno partikular na ang itinatayong eskwelahan at ang road rehabilitation.

Show comments