^

Probinsiya

Mag-asawa itinumba sa barangay hall

- Eva Visperas -

ALAMINOS CITY, Pangasinan, Philippines – Isinama ni kamatayan sa pagdiriwang ng Undas ang hepe ng pulisya at asawa nito makaraang pagbabarilin ng utol na lalaki ng una sa loob ng Pandan Barangay Hall sa Alaminos City, Pangasinan kahapon ng umaga.

Tinadtad ng bala ng M16 Armalite Rifle ang mag-asawang sina P/Supt. Llyod Millan, hepe ng pulisya sa bayan ng Bayambang, Pangasinan at Cheryll Tarife Millan, 34.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Lyndon Millan na sinasabing nakatatandang kapatid ni P/Supt Millan.

Ayon kay P/Supt. Rollie Saltat, hepe ng pulisya sa Alaminos City, nagtungo ang mag-asawang Millan kasama ang barangay chairman sa nasabing lugar para ayusin ang sigalutan sa lupaing pinagtatalulan ng mag-utol na Millan.

Pagdating ng mag-asawa sa loob ng barangay hall ay kaagad na pinagbabaril ng suspek kung saan hindi naman nadamay ang barangay chairman na hindi pinangalanan.

Naisugod naman sa Western Pangasinan District Hospital ang mag-asawa subalit idineklarang patay na ng mga doktor.

ALAMINOS CITY

ARMALITE RIFLE

CHERYLL TARIFE MILLAN

LLYOD MILLAN

LYNDON MILLAN

MILLAN

PANDAN BARANGAY HALL

PANGASINAN

ROLLIE SALTAT

SUPT MILLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with