^

Probinsiya

3 PUP student na ni-recruit ng NPA timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlong mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na nahinto sa pag-aaral matapos ma-recruit ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa Tanay, Rizal kamakalawa ng gabi.

Sa phone interview, kinilala ni Army’s 16th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Noel Detoyato ang mga nasakote na sina Marissa Espidido, 21, BS Socio­logy, Jared Valero Morales, 21, kumukuha ng kursong Bachelor of Science and Business Administration at Hermogenes Reyes Jr., 22 BS Cooperative. 

Bandang alas-8:45 ng gabi ng makorner ang mga ito ng tropa ni Detoyato sa Brgy. Sta Ines, Tanay ng lalawigang ito matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente sa presensya ng tatlong armadong rebelde.

Hindi na nakapalag ang tatlo matapos na mapalibutan ng mga sundalo kung saan ay agad na itinaas ang kanilang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. Natukoy na mga estudyante ang mga ito, ayon kay Detoyato matapos makumpiska sa kanila ang identification card na inisyu ng  kanilang unibersidad.

Sa inisyal na interogas­yon, sinabi ni Detoyato na pito pang estudyante ng PUP na kasamahan ng mga biktima ang ngayo’y namumuhay sa bundok matapos ma-recruit ng Narciso Antazo Aramil Command, isang grupo ng NPA na nago-operate sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa opisyal, nasira ang kinabukasan ng tatlo matapos na malinlang ng NPA rebels sa pagsapi sa kanilang kilusan. Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang isang M653 baby armalite, isang M16 rifle, isang M203 grenade launcher at isang 12 gauge shotgun.

BACHELOR OF SCIENCE AND BUSINESS ADMINISTRATION

DETOYATO

HERMOGENES REYES JR.

INFANTRY BATTALION COMMANDER LT

JARED VALERO MORALES

MARISSA ESPIDIDO

NARCISO ANTAZO ARAMIL COMMAND

NEW PEOPLE

NOEL DETOYATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with