Sekyu ng banko dinedo

CAMARINES NORTE, Philippines - - Napaslang ang 25-anyos na security guard ng banko matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng KLT Trading sa Vinzons Avenue, Barangay 4 sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Naisugod pa sa Camarines Norte Provincial Hospital subalit idineklarang patay si Roldan Lonto, kawani ng ESRSI Security Agency at nakatira sa Lakan St., Moreno Site sa Brgy 8. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Arnulfo Selencio, pasakay na ng service vehicle ang biktima kasama ang manager at cashier ng banko mula sa KLT nang pagbabarilin. Nakaligtas naman ang dalawang kasama ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments